Minsan din naman akong nangarap noong bata ako, maging katulad ni Superman at makalipad sa kahit saan mang lugar na nais kong mapuntahan. Ang makasakay sa robot ni bioman at kalabanin ang mga masasamang halimaw. Maging isang katulad ni Machineman at magkaroon ng isang bola na nagsasalitang katulad ni buknoy.
At syempre pinangarap ko din makita si Santa Claus, at pasayawin s'ya ng careless wishper at P-P-AP-APLE.
Lahat tayo may mga pangarap sa buhay, may mga kanya-kanyang paraan kung paano nga ba nila maabot ang pangarap nila sa buhay. Itong kwentong isheshare ko sa inyo, kwento ito ng isang bata na may pangarap din na gustong marating.
Sa isang malawak na bukirin may dalawang mag-asawang nakatira sa kubo na nakatayo sa kalagitnaan ng bukirin. Sila ay si Armando at si Sedeng, at sa dako paroon may isang musmos na bata na dala ay isang bag at kapirasong lapis at papel. At sya ay si Nanding ang anak ni Mang Armando at Aling Sedeng.
Bagamat musmos palang si Nanding at na sa grade 3 pa lang sya, batid na ni Nanding ang paghihirap ng kanyang mga magulang sa bukid. Tanging pagsasaka lang kasi ang ikinabubuhay ng kanyang mga magulang para lamang mabuhay si nanding.
Pagdating ni Nanding sa silid aralan, dumeretso sya sa kanyang upuan.
"Magandang umaga po Teacher Vibyan!" sigaw na pagbati ni Nanding kasama ng kanyang mga mag-aaral sa kayang Guro.
"Magandang umaga din naman mga bata" tugon naman ni teacher vibain sa kanyang mga studyante.
Sabay-sabay na umupo ang mga bata at ang lahat ay nakatuon sa kanilang guro.
Nagsimula na ang aralin ng mga bata, at si Teacher Vibian ay nagsimula ng nagsalita.
"Mga bata gusto ko iguhit nyo sa isang malinis na papel kung ano ang pangarap nyo pag laki nyo?" Tanong ni teacher Vibian sa mga studyante nya.
Agad na kumuha ng mga papel ang mga studyante at kanya kanyang iginuhit ang kanilang mga pangarap. May gumuhit ng abugado, doktor, pulis, ngunit may isang guhit na nakaagaw ng atensyon ni teacher Vibian. At ito ang pinaka-kakaiba sa lahat ng nakita nya, at ito ay isang malawak na bukid at may malaking bahay at napakaraming hayop sa paligid.
"Nanding halika nga dito?" tugon ng guro.
"bakit po guro?" sagot ni Nanding.
"Bakit yan ang iginuhit mo?" tugon ng guro.
"Pangarap ko po kasi magkaroon ng isang malawak na bukid at magkaroon ng isang malaking bahay na may maraming hayop. Ang tatay at nanay ko kasi ay nagtatrabaho lang kasi sa bukid ng ibang tao. Kaya gusto ko pong magkaroon ng bagay na gusto nila na hindi nila naabot."
sagot ni Nanding sa kanyang guro.
"Ang sabi ko pangarap hindi panaginip!" pasigaw na tugon ng guro.
"Papano ka magkakaroon ng isang malaking bukid, eh ang tatay mo ay magsasaka lang; ang nanay mo magsasaka din; at ang lolo ng lolo mo ay magsasaka din. Ang pangarap ay isang bagay na posible mong maabot, pero kung ang pangarap mo ay magkaroon ng isang bukid, hindi yan mangyayari dahil ilang henerasyon na kayong magsasaka. Gusto kong palitan mo ang drawing mo at gawin mong mas makatotohanan."
nakayuko si Nanding habang nagsasalita ang kanyang guro...
"Tignan mo si Juan gustong maging doctor; tignan mo si Pedro, gustong maging abogado; at tignan mo sa Maria, gustong maging teacher. Ipasa mo sa akin bukas ang drawing mo at gusto ko ay iba na ang drawing (pangarap) mo dahil kung hindi ay ibabagsak kita!" pagbabanta ng guro kay Nanding.
Malungkot na umuwi ang bata, tinitingnan ni Nanding ang kanyang iginuhit na pangarap sa papel habang sya ay naglalakad papunta sa kanyang tahanan. At ng makarating agad syang pumunta sa kanyang amain at kanyang sinabi..
"Tay pinaguhit kami ng aming guro kung ano yung pangarap namin, pero sinabi nya sa akin napaka-imposible daw mangyari ng pangarap ko. Dahil ang mga magulang ko ay isang hamak lamang na mga magsasaka at ang lolo at lola ko ay mga magsasaka din kaya sabi nya napaka imposibleng mangyari ng pangarap ko dahil angkan tayo ng mga magsasaka. Gusto ko po kasing magkaroon ng isang napakalawak na bukid at napakalaking bahay na maraming hayop. Pero ayaw nyang tangapin kasi hindi daw ito mangyayari. At kung hindi daw nya papalitan ang iginuhit ko ibabagsak daw nya ako"
malungkot na isinumbong ni Nanding sa kanyang ama ang mga nangyari sa kanyang klase.
Alam mo anak, ang sabi ng teacher mo ay pangarap mo, hindi ang pangarap niya para sa’yo. Kung ano ang sa tingin mo ay gusto mo at sa tingin mo ay kaya mong gawin, ituloy mo lang. Tandaan mo palagi anak na hindi pwedeng ibang tao ang magbigay sa’yo ng pangarap mo dahil bawat isa sa atin ay may sarili sariling pag-iisip. Hindi pwedeng sabihin ng ibang tao na hindi mo magagawa ang isang bagay; ang makakapag-sabi lang niyan ay ang sarili mo mismo. Kung ano man ang maging desisyon mo ay ikaw ang bahala dahil wala ako sa posisyon para idikta sa’yo ang gusto mong maging paglaki mo. Nasayo ang desisyon kung papalitan mo ang pangarap mo o hindi dahil lang sa sinabi ng ibang tao na hindi ito posibleng mangyari." Mariin na ipinayo ng kanyang ama kay Nanding.
Kinabukasan pumasok ulit si Nanding, bumati at naupo sa silya. Umikot ang guro at ipinalabas ang kanilang mga iginuhit. Nagulat ang guro sa kanyang nakita dahil wala parin nagbago sa guhit ni nanding, ang malawak na bukirin na may malaking bahay na nakatayo sa gitna at napakaraming hayop.
"Sinusubukan mo ba ako? Gusto mo bang ibagsak na kita ngayon? Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon na baguhin mo ang drawing na ito, pero pag ito hindi mo pa rin bi…" Ang naudlot na pagtatanong ng guro kay Nanding.
Tumayo si Nanding at sinabing.... "kung gusto mo akong ibagsak, ibagsak mo ako. Pero hinding hindi ko isusuko ang pangarap ko para sa sarili ko dahil lang sa sinabi mong hindi ko ito magagawa."
At yun nga ang nangyari binagsak ng guro si Nanding dahil sa kanyang paninindigan. At pagkalipas ng dalawampung taon.....
May isang grupo ng kabataan ang nagsagawa ng fieldtrip sa isang bukid. Tuwang tuwa ang mga bata sa mga nakita nila, malawak at puno ng mga ibat ibat hayop sa paligid nito. Kasama si Teacher Vibyan, at sa di kalayuan may isang napakatikas na lalake ang dahan dahan na lumapit sa kanya tinanong.
"Natatandaan mo pa ba ako"
Pinagmamasdan lang ng guro ang mukha ng lalake at inaalala kung saan nga ba nya nakilala ang taong nasa harapan nya, mukhang pamilyar sa kanya ang boses.
"Ako yung bata noon na ipinaguhit mo ng pangarap ko..... ito pa nga yung guhit ko noon" ipinakita ni Nanding yung lumang papel na kung saan nakaguhit noon ang kanyang pangarap, sabay turo sa malawak na bukirin.
Dahan dahang tumulo ang luha ng guro pagkat unti-unti na nyang naalala ang mga nangyari noon sa bata "dalawampung taon na akong nagtuturo sa mga bata at marami na akong nakitang mga katulad mo na ang mga ginuhit na mga pangarap nila ay imposibleng mangyari para sa akin, kaya ko ipinabago sa kanila. Halos lahat sila ay binago ang kanilang mga iginuhit ngunit ikaw lang ang namumukod tangi sa kanila, ikaw lang ang nanindigan para sa pangarap mo. Ang tagal ko ng nagtuturo pero marami na pala akong pangarap na nasira, buti na lang at pinaglaban mo ang pangarap mo at patuloy kang nanindigan."
Niyakap ni Nanding ang umiiyak na guro, na humihingi ng pagpapatawad sa kanya.
P:S Sana may napulot kang aral mula sa istorya na ito..... Comment for any Violent reaction? :)