Sabado de glorya ngayon at ang iba ay nagsisyesta sa kanikanilang mga tahanan, yung iba nasa ibat ibang lugar ng kanilang bakasyunan. Habang ako ay nakapila dito sa San Lazaro Hospital para magpaturok ng gamot para sa anti-rabis. Huling bakuna ko na kase ito kaya kahit ganitong araw pumunta ako, ewan ko ba baka ito na siguro ang binigay na pinetensya sa akin ni lord,kasi nga minsan nakakalimot na ako sa kanya. Ano ba kasi ang ginawa ko kung bakit kelangan ko magpabakuna ng anti-rabis sa ospital at kahit na mahal na araw ay pumipila ako sa napakahaba at napakainit na OPD.
Kinagat ko lang naman si brownie, este kinagat pala ako ni brownie ang mababait na alaga ng erpat ko sa bahay nila. Ewan ko ba kung bakit kasi anong pumasok sa isip ko at bakit bigla akong naawa sa aso. Nakita ko kasi si brownie na may bagong necklase sa leeg na bigay daw ng pinakamamahal nilang amo na walang iba ay ang erpat ko na pagkagwapo-gwapo. Nilapitan ko ito at paluluwagan ko sana ang necklase na pagkasikip sikip na para bang nahihirapan syang lumunok ng kanyang laway kaya agad ko itong nilapitan. Akma ko sanang payakap ang paghawak ko sa kanya ng bigla akong kinagat sa ulo. At sa kabutihang palad naman bumaon lang naman ang pangil nya sa aking ulo at ma-manhid manhid pa ito ng kanyang matanggal.
At dahil sa huling pagpunta ko na sana sa ospital para sa huling turok ko medyo inaatake nanaman ako ng katamaran ko, dahil nga sa mainit ang panahon at masarap manatili na lang sa bahay at matulog maghapon. Kaninang umaga tumawag si erpat kung pupunta daw ba ako ngayon.
"Pupunta ka ba ngayon?,, ito na kasi yung last na bakuna mo"
"Baka hindi na tutal last na bakuna ko naman ito baka wala na siguro yung rabis sa katawan ko"
Hindi ko alam kung anu ang nasabi ko at nauwi kami sa pagtatalo ni erpat basta ang huling nasabi ko ay "Bahala na kung mamatay, patay kung patay". Oh diba parang linya lang sa isang pelikula ni Robin sa mistah. Nung mga araw na kasi na yun parang naalimputangatan ako sa tawag na yun kaya hindi ko na alam yung mga nasabi ko.
Dumating ako sa bahay nila ermat at erpat, para akong bumalik sa pagkabata na naghahanap ng pading sa pwet para hindi maramdaman ang sakit na hahambalos sa aking puwitan. Pero since na gurang na ako. Ay hindi na gagawin sa akin ni erpat yun, makakatikim lang naman ako ng suntok tadyak at mga matatamis at nakakainspire na sermon galing kay erpat.
Medyo lumalayo na tayo sa usapan ayoko ng ekwento ang buong talambuhay ko na pang MMK ang peg. Balik tayo sa rabis, akala ko nung mga araw na yun ako lang yung taong nakagat ng aso, dahil sa pagpunta ko ng ospital marami pala ang katulad ko ang nakagat din ng aso. Naisip ko na bawat oras, minuminuto may mga nakakagat din pala ng aso. At ang karamihan pa dito ay mga bata.
Aaminin ko masmasakit pa ang turok ng karayom kesa sa kagat ni brownie, 11 na turok lang naman ng karayum ang itutusok sa katawan mo. Kung ako ay gurang na at makunat na ang balat ay nasaktan pero hindi naman ako umiyak, ano pa kaya ang mga bata na nakagat din ng aso at tuturukan ng karayum. Nakakawa at para bang bibitayin na sila pagnakakakita sila ng karayom na unti-unting inilalapit sa katawan nila.

Naalala ko nung highschool pa ako at ng si ermat pa ayisang janitor sa sanlazaro pinupuntahan ko si ermat sa pwesto nya. At sa twing pumupunta ako kay ermat para kunin ko ang baon ko may isang pasilyo ako nadaanan kung saan may mga taong nakagapos at umaalulong at bumubula ang kanilang bibig, na may nanlilisig na mga mata (tantalayzing eyes, kindat sabay kagat labe) joke lang. At sabi ni ermat yun daw yung mga taon nakagat ng aso at hindi kaagad nagpabakuna. tuweyntifor hours lang daw kasi ang itinatagal ng buhay ng isang tao kapag ito ay nakagat na at positbo sa rabis ang aso. Sabi nila kapag pinasok na daw doon ang pasyenteng nakagat ng aso at nakitaan ng sintomas mas kakaonte na lang daw ang tyansa nitong mabuhay. Halos karamihan ng pinapasok dito ay hindi na nakakalabas na ng buhay. At iyon ang ayaw sa aking mangyari ni ermat ang maging isang american warewolf at yaw ko din mangyari sa akin.
Para sa marami at para sa makakagat, nakagat, at susubukan palang magpakagat sa aso, pusa at pati na sa daga. Tanging ang San Lazaro Hospital lang ang bagsakan ng mga pasyenteng nakagat ng hayop. Bakit ko nasabi ito, marami akongnakasalamuha nanggaling pa mula sa ibat ibang lugar at probinsya lahat sila ay itinuro sa nasabing ospital.
Ang halaga lang naman ng gamot ay 1,200 pero hindi pwedeng masolo iyon, apat kayong maghahati at tag 300 kayo bawat isa. Kung mayabang ka namn este mayaman ka naman at marami kang datung sa iyong bulsa pwede mo naman syang solohin at idonate mo na lang sa iba yung natitirang gamot na nabili mo. Sa madaling salita hindi nila pwedeng iturok nila sayo ang ganong kadaming dosage na gamot sa katawan mo. Para lang sa mga firstimer ito at unang beses lang nakagat.
Pero kung sa susunod na tatlong turok mo na binigay ni doc na schedule sayo pepwede mo naman makuha sa inyong malapit na munisipyo at ito ay makukuha mo ng libre. Pero kung wala silang stock ng gamot mapipilitan kang pumila sa tayuman at syempre may bayad na iyon.
Ikaw?... ano bang klaseng kagat ang gustong maramdaman?......
P:S(iloveyou): Ingatan nyo ang mga anak nyo wag nyong palapitin yung mga bata sa mga aso at pusa, nakakaawa lang pag tinutusukan sila ng karayom. Lalo na pag mainit ang panahon ang mga hayop lalo na ang mga aso iretable sila sa kanilang nararamdaman, kaya kahit na alaga mo na kinakagat ka pa.