Puma-palak-pak din ako kapag nakakakita ako ng eroplano sa himpapawid noong bata pa ako, katulad ni Atonio Quitikit na bahagi din ng kanyang pagkabata at isinulat pa nga nya sa kanyang aklat ng dekada90.
Katulad din ng mga musmos at wala pang muwang na bata. Tulad noong bata pa ako natanong ko din sa sarili ko kung masarap din bang sumakay sa loob ng eroplano, ano ang pakiramdam ng nasa itaas nito.
Isa din ako sa mga kabataan na noon na nilisan na ng kanilang mga magulang upang ipagsapalaran nila ang kanilang buhay maiahon lamang sa kahirapan ang kanilang mga pamilya. Oo isa din ako sa mga bata na nakaranas ng dipresyon buhat nung lumisan si ama. Akala ko sa pag-uwi ni ama dala nya ang susi para makaahon kami sa kahirapan yun pala ay nauwi lamang sa wala.
Alam kong musmos pa lang ako at walang alam pero mulat na ako sa mga nangyayari sa aking kapaligiran. Na bakit ang iba kong mga kalaro at mga kaibagan noon kompletong kumakain sa hapagkainan at sama-sama silang nanood ng telbisyon habang nakaupo sa sala. Masaya sila at malungkot naman ako pagkat ang aking ama noon ay labis-labis ang paghihirap sa ibang bansa habang kami naman ng mga kapatid ko dito sa Pilipinas ay nagtitiis at nalulungkot.
Si Karding ang aking tapat na kaibigan at kalaro masaya nabanggit nya na masaya sya dahil uuwi na daw ang kanyang ama buhat sa kabilang ibayo. Abot tenga ang ngiti ni Karding habang kinekwente nya sa akin ang paguwi ng kanyang ama.
"Ganyan din ba ako sya kapag umuwi na si Ama?" Bulong ko sa sarili ko.
Hanggang sa isang araw pagkagaling ko sa Eskwelahan at pagbukas ko ng pintuan nasilayan ko ang aking ama na nakaupo at napatingin sa akin habang kausap si Ina. Naghalo ang pananambik at sama ng loob sa puso ko ng makita ko si ama, pero napawi iyon ng ako ay yakapin nya.
"Wag ka na aalis ama, wag mo na kaming iwan at mag aaral akong mabuti."
Noon ko naliwanagan ang halaga ng pinagpapawisan ng aking ama kung bakit kinailangan n'ya kaming iwan at magtrabaho sa ibang bansa. Hindi pala ang ganun kadali ang naging kapalaran ng aking ama na tulad din na nararanasan ng ibang mga kababayan natin sa ibang bansa. Pinagpasalamat ko sa Diyos na ligtas si ama na nakauwi kahit na kakaunti lamang ang perang naiuwi nya sa amin.