Nalala ko noong bata pa ako madalas nananaginip ako na nagdadrive ng isang sasakyan na isang maliit na gawa sa kahoy, at ang mga gulong nito ay yari din sa kahoy. Nakakarating pa daw ito sa kahit saang malalayong lugar at namumukod tangi lang akong merong sasakyan na yari sa kahoy. Sikat at pinag uusapan daw ako ng mga tao dahil nga kakaiba ang dala kong sasakyan. Masarap pala ang may sasakyan at lalo na nadadala mo ito sa kahit saan mo man naisin pumunta, yun ang sabi sa aking panaginip.
Ngunit ng lumaki ako nakatapos ng elementarya, highschool at undergrad lang sa kolehiyo. Kahit kelan hindi pumasok sa isipan ko ang magmaneho ng isang sasakyan. Akala ko hanggang sa panaginip lang pero kabaligtaran pala iyon ng panaginip ko sa reyalidad ng buhay ko. Ang makapag maneho ng isang sasakyan na ubod ng haba at napakalaki, totoo nga pala ang sinasabi ng mga matatanda na kabaligtaran sa panaginip mo ang mangyayari sa tunay na buhay.
Hindi ko inaasahan na mabibigyan ako ng ganitong kakayahan, sinadya lang ata ng kapalaran o tinigon lang siguro ng panginoon ang mga dasal ko na magkaroon ng matatag, regular na trabaho at makabubuhay ng pamilya ang kita. Ang daanan, manubela pati na ang mga bestfriend ko sa kalsada (trafict enforcer) ay katuwang ko sa pagbuhay ko sa pamilya ko.
Totoo nga na mapaglaro ang tadhana kung hindi para sayo ang isang bagay may ilalaan talagang nararapat sa iyo ang Diyos. Malugod kong pinasasalamatan yung mga tao na naglinang ng kakayahan kong magdrive, si C.O ang pinaka tatay namin at ang babaero kong driver na si Don Pedro. Dahil kung wala sila wala ako dito sa kinatatayuan ko ngayon, hindi ko maibibigay ang mga pangangailangan ng pamilya ko, at hindi ko makikita ang mga matatamis na ngiti ng mga anak ko.
Bilang isang pasasalamat ibabahagi ko ang mga nalalaman ko tungkol sa pagmamaneho ng sasakyan mga inpormasyon at ibapa patungkol sa pagmamaneho. Naway masubaybayan nyo ang mga post article dito sa DRIVING 101.