Maganda ba sya o sya ba ay maganda?
Ano ang tamang katanungan sa isang binibining lubos na kakinangan ang kagandahan. Morena, maamong mukha, hindi nakakasawang tingnan, at maganda ang hubog ng kanyang pangagatawan.
Maganda ba sya o sya ba ay maganda?
Sa kabilang dako ng kanyang kagandahan kawangis ng tigre na nagngangalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, isang ahas ang kakambal ng kanyang paguugali. Magaspang pa sa nilikot na papel o lihang pang kiskis ng pwet kalderong pagkaitimitim, sing itim ng kanyang budhi ang sa likod ng kagandahang kanyang ipinagmamalaki.
Maganda ba sya? o sya ba ay maganda?
Ang kagandahang mapaglinlang at mga matang nalilinlang, maganda nga sya oo maganda nga talaga sya. Magingat pagkat hindi lahat ng nakikita ng iyong mga mata ay dadalhin ka sa ipinapangako ng imahe o kaanyuang maganda. Nasa huli lagi ang pagsisi at hindi porke isinubo mo ng maiinit ang kanin ay agad mo itong iluluwa. Ngayon huling tanong maganda ba sya o sya ba ay maganda?