Ilang libong tingting kaya ang nadurog ko sa paghambalos ng aking amain sa akin, ilang pirasong liyantok kaya noon ang nabali ko sa aking katawan habang hinahampas ng tatay ko sa aking katawan, marahil hindi ko na mabilang. Libo-libong litanya ang sermon na ipinapasok sa aking kokote marahil ngayon hindi ko na matandan, at ilang beses ng nahubaran ng pantalon si itay sa paghugot ng napakagandang sinturon para lamang akoy paluin at magtanda.
Walis tingting, tambo, dospordos, sipa tadyak at kung anu-anong balogbog ang inabot ko sa aking amain. Daig ko pa si Harry Potter na nakipagpalitan ng mukha sa kanyang walis tingting. Akala ko ako na si Iron man na bumali ng dospordos sa aking katawan. Manhid na ata ang katawan ko sa pananakit ng amain ko sa akin, at yun yung bagay na lubos na hindi ko maintindihan noong kabataan ko.
Ang araw noon ay ginagawa kong gabi at ang gabi noon ay ginagawa kong arw, kulang na lang ay paikutin ko ang mundo para magkaroon pa ng isang dimensyon bukod sa araw at gabi(meron pa kaya nun?). Nagrebelde ang utak nabarkada sa mga cute at mga poging kabatan, tambay dito tambay doon parang walang kahihinatnan ang pinagagawa ko noon. Sila yung tipong barkada na walang maitutulong sayo. Si Manong Tubo na syang lider ng aming grupo umibig, nagmahal nasaktan, sumama sa rayot hayun patay.
Bakit kaya ako sinasaktan ng tatay ko?
Ito yung tanong na bumabagabag sa aking napakatigas na kokote, at baligtad na utak noong kabataan ko at noong akoy cute palang. Hanggang sa isang araw naging syota ko daw si Maxine M. at nakaupo kami sa ilalim ng puno ng mangga habang ang araw ay papalubog na sa dapit hapon. Maglalapat na sana ang aming mga labi ng biglang may bumuhos sa akin ng isang napakalamig na tubig napabalikwas at naalimpungatan, at ang napakagandang mukha ni Maxine M. ay napalitan ng poging mukha ng aking tatay.
Bumangon ka na dyan, wala kang pakinabang!
Bulyaw ng aking amain at galit na galit sa akin, yun yung huling narinig ko sa aking tatay habang ako ay papalabas ng pinto ng aming bahay. Tumutulo ang luha habang papalabas ng bahay, sa madaling salita ako ay naglayas. Naghanap ng trabaho at tatlong taong hindi nagpakita sa mga magulang ko, nagtiis na hindi umuwe nagsariling sikap at ngayon may matatag na pinagkakakitaan.
Bakit kaya ako pinapalo ng tatay ko?
Ito yung tanong noon na nabigyan ng kasagutan ngayon dahilan kung bakit ako pinapalo ng tatay ko noon ay upang mapaayos ang buhay ko, maging isang kapakipakinabang na tao sa lipunan at hindi pabigat sa kanila at sa bansang Pilipinas. Ito pala yung dahilan ni tatay kung bakit binali nya sa likuran ko yung dospordos sa aking likuran, ito na pala yung dahilan ng pagbuhos nya sa akin ng malamig na tubig noong akoy natutulog pa.
Ito yung bagay na naitulong sa aking ng tatay ko, kaya hanggang ngayon pinasasalamatan ko sya kung hindi nya ginawa iyon malamang pariwara ang buhay ko ngayon. Sa mga kabataan pinapalo man kayo o hindi sinesermunan man kayo o hindi ulit magpasalamat parin kayo dahil may mga magulang parin kayo na may pakeelam at nagmamalasakit sa inyo. bandang huli magulang nyo parin ang makakatulong sa inyo.
Sa ngayon habang bata pa kayo hindi nyo pa naiintindihan ang ginagawa sa inyo ng mga magulang nyo, hindi pa kayo hinog(lagyan ng kalburo) sa tamang panahon(#Aldub). Huhubugin kayo ng panahon at balang araw maiitindihan nyo din sila, wag maging suwail, matigas ang ulo at higit sa lahat wag magtanim ng sama ng loob sa mga magulang. Mahalin at alagaan kapag sila ay mahina na at nalipasan ng panahon.
P:Siloveyou: Ang blog na ito ay lahok sa Saranggola Blog Award
http://www.sba.ph/