Kamusta naman kayo mga kapwa ko driver medyo naging bisi lang ang inyong lingkod sa pagbabasa ng mga e-books. Im just wanted to tackle about sa mga lugar sa daanan na dapat tayong maging alisto at magingat. Napapadalas kasi ang mga balibalitang aksidente na kung saan kadalasan sa mga lugar na accident prone area talaga.
Mahalaga mo talagang malaman ito para maiwasan mo at mailigtas mo din ang buhay ng mga nakasakay sayo. Nagsesearch ako kay manong google tungkol sa mga lugar na may pinaka takaw aksidente pero wala doon yung gusto kong malaman. Anyway kung meron man at natry nyo din hanapin malamang tinamad lang akong maghanap. Us of now ako na lang gagawa ng article na ito at yun ang itatopic ko sa blogpost na ito.
Sa blog post na ito isusulat ko ang mga lugar na kung saan madalas may mga aksidenteng nagaganap, hindi man ikaw ang nakakaranas nito marahil mapapansin mo din kapag dumadaan ka dito. Narito ang mga lugar na dapat nating tandaan, mga lugar na takaw aksidente.
1.INTERSECTION
*Sa lugar na ito madalas nagkakaroon ng aksidente kadalasan ang hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Kalimitan sa mga driver ang pahahabol ng sa ilaw ng trapiko o yung tinatawag nating photo finish. Maari kang mabulaga sa magkabilang kanto at malamang hindi mo agad ito maipepreno, at kung maipreno mo man ay huli na.
2. SHOULDER
Ang shoulder ay makikita sa gawing kanan ng daanan, kalimitan mo itong makikita sa mga highway at sa mgaexpress way. Sadyang napaka dilekadong mag overtake dito sapagkat ang shoulder area ay may mga naka lagay na mga barikada o minsan naman ay may mga hukay na nakalagay.
Ang shoulder ay ginagamit lamang sa mga emergency kapag ikaw ay nagkaabirya ng biglaan, o kung ano pa man na hindi na kaya pang dalhinpa sa emergency bay.
3 Sharp curve
Ang sharp curve ay isang daanan na biglang liko o yung tinatawag nilang siko, mapanganib dito kung hindi ka magiingat sa pag daan dito. Ibayong pagiingat at sundin ang nakasaad na bilis, maari kang mabulaga o biglang tumaob kung mabilis ang iyong takbo.
Sa pag daan sa kurbadang ito maari ka munang mag menor o babaan ang iyong bilis, kung gabi naman maari kang gumamit ng ilaw ng iyong headligth para malaman sa kabilang daanan may paparatingsa sasakyan.
4.Mga liblib na lugar
Kadalasan ang mga daanang ito ay makikita natin sa mga probinsya, mga daanang hindi na naabot ng koryente kaya minsan walang ilaw sa daanan. Nagiging sanhi nito ang mga sighnboard na hindi makita at tanging ilaw lang mula sa iyong behikolo ang magbibigay ng liwanag dito. Magiingat at magmabagal lang sa pagpapatakbo nito dahil minsan may mga hukay o di kaya mga malalalim na banin ang nasa gilid nito.
5.Mga Palusong na daanan na biglang liko o Siko kung tawagin
Ang daanan na ito ay masyadong matarik ang lusong o matarik ang pag ahon na may biglang liko, makikita mo ito sa mga bulubunduking lugar katulad ng Isabela, bagiuo at kung saan man basta malalapit na bangin.