Isang araw tinanong ako ng erpat ko kung bakit hindi na lang ako kumuha ng sariling motor para makatulong sa pangserbis ko. Natawa na lang ako at pinagkibit balikat ko ang tanong ng aking erpat. Una kasi kung kukuha ako ng motor dapat hindi hulugan, at dapat cash. Pangalawa takot akong magmaneho ng dalawa lang ang gulong kesa sa apat na gulong, bakit kamo? Konteng pagkakamali mo lang kasi sa motor malamang may paglalagyan ka, hindi hamak ng sasakyan na may apat na gulong. Sa apat na gulong mas safe ka may seatbelt at hindi ka pa nababasa ng ulan.
Isa din akong driver sa danana at marami rami na din akong nakikitang aksedente ng mga sasakyan at halos karamihan ng nakikita ko ay ang mga motor. Nakakaawa at nakakalunos kung iyong makikita na ang biktima ay pumailalim sa sasakyan, sumemplang at kung anuman uri ng aksedente.
Masasabi kong hindi lang ang kawalan ng disiplina ng isang driver ang pinag uugatan ng aksidente sa daanan. Kawalan ng kaalaman sa mga batas trapiko ang syang ugat ng aksedente sa daanan, na kung hindi papansin ito ng mga motorista kaakibat nito ang disgrasya.
Papaano ba natin maiiwasan ang aksidente kapag tayo ay nagmomotor?
1. Wag magmaneho ng nakainum.
>karamihan sa mga driver lumalakas ang loob nilang magmaneho kapag sila ay nakainom o nasa implowensya ng alak. Maari nitong hindi makontrol ang sarili at ang bilis ng behikulo o ng motor na minamaneho dahilan para ikaw ay mawala sa focus.
Alam mo ba may batas na ngayon ang LTO na kapag naamuyan ka lang ng alak kaukulang pagkarebook ng iyong lisensya o pagkatanggal ng prebilehiyo na ikaw ay magmaneho pa sa daanan.
2. Wag ipilit isuksok ang motor kung hindi naman kayang palusutin.
>Isa yan sa mga napapansin ko sa mga driver ng motor pinipilit nilang ipasok o hinahamon ang sariling ipasok sa kakarampot na espasyo.
3. Gumawi sa driverside lane
>Laging gumawi sa mga driver side lane upang ikaw ay makita ng mga driver na may kasunod o may sinusundan silang motor.
4.Gumamit ng motor lane.
>Gumamit ng motorlane upang hindi masagi ng mga malalaking sasakyan.
5.Mag overtake ng tama.
>Siguraduhin ligtas ang linyang iyong ioovertake. Magsiguro timingin muna sa likuran bago gumawa ng hakbang ng pagovertake.
6.Laging magsuot ng helmet
>Karamihan sa mga riders natin ang isinasantabi lang ang pagsusoot ng helmet, may mga nakikita pa nga ako sa siko isinusukbit at hindi sa ulo. Tandaan mataas ang find kapag ikaw ay nahuli ng LTO na walang helmet at malamang sa alamang seminar ka pa.
7.Huwag magsakay ng bata sa motor sa likod man o sa harapan.
>Kung mahal mo ang minamahal mo sa buhay o kung mahal mo ang mga anak mo hindi mo sila ilalapit sa anu mang kapahamakan na ikaw lang dapat ang makakaranas nito. Iwasan mong isakay ang iyong anak sa motor para na din sa kaligtasan ng iyong anak.
8.Laging bumusina kapag lulusot sa mga malalaking sasakyan.
>Ang mga malalaking sasakyan katulad ng mga buss,cargo trailer trak, at mga dump truck ay hindi gaanong pansin lalo na ang mga maliliit na sasakyan, kaya hanggat maari bumusina at umiwas sa alam mong blindspot nito.
9.Huwag maging barubal gumamit ng kalsada.
>Ito ang kalimitang sakit hindi lang ng mga motor kundi pati na din ng ibang kapwa ko driver sa daanan. Ang pagiging agresibo sa daanan ay nagiging sanhi ng aksidente o pagkasira ng ariarian ng kapwa mo driver.
10.Sumunod sa batas trapiko.
>Ito ang pinaka the best at ligtas na paalala para sa mga kpwa ko driver.
Tandaan maging difensive driver upang maiwasan ang aksidente at pagkawala ng buhay at ng iyong mga mahal sa buhay, at maging isang magandang halimbawa upang pamarisan ng ibang mga driver.